WAR ON DRUGS | Drun den, sinalakay ng PNP at PDEA sa Valenzuela City

Valenzuela City – Arestado ang 6 na indibidwal kasunod ng kinasang illegal drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Valenzuela PNP sa Lamesa St. Barangay Ugong.

Sa unang tingin, aakalang tipikal na pagawaan lang ng motor pero kung papasukin ang loob may makikitang maliit na butas at may kwartong pinagbabatakan ng shabu.

Ayon kay SrInsp. Gina Pariñas, PIO, Valenzuela PNP naaktuhan pang bumabatak ng shabu ang mga suspek matapos magsagawa ng buy bust operation kay alias Manny.


Narecover sa drug den ang mga pakete ng suspected shabu na nag kakahalaga ng 75K pesos, 2 kalibre 38 na baril at mga drug paraphernalia.

Ayon sa suspek, nabaon sa utang ang isa sa kanyang parokyano kaya imbis na pera, baril ang pinangbayad sa kanya.

Samantala, inabutan din ang may-ari ng motorshop na si alyas Noel habang gumagawa ng baril.

Paliwanag nito libangan niya lamang ang paggawa nito.



Facebook Comments