WAR ON DRUGS | EJK at police impunity, ‘human rights concern’ sa Pinas ayon sa US State Department; PNP, pumalag!

Amerika – Itinuturing ng State Department ng Estados Unidos na ‘human rights concern’ ang extra-judicial killings at police impunity sa ilalim ng giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.

Base sa 2017 country reports on human rights practices ng US State Department, mula 2016 kung saan umarangkada ang anti-drug war ay patuloy na tumataas ang bilang ng kaso ng EJK sa Pilipinas hanggang 2017.

Lumala rin ang ‘police impunity’ o pagkakadawit ng mga pulis sa patayan pero nakakaligtas sa parusa.


Sa kabila nito, binigyang kilala rin ng US State Department ang pagsisikap ng pamahalaan na protektahan ang karapatang pantao sa bansa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng imbestigasyon ukol sa mga sinasabing human rights abuses.
Samantala, pumalag ang Philippine National Police (PNP) sa report ng US state department na major human rights concern sa Pilipinas ang mga kaso ng extra-judicial killings sa ilalim ng anti-illegal drugs war ng gobyernong Duterte.

Ayon kay PNP Spokesman C/Supt. John Bulalacao – nakuha lamang ng Amerika ang mga alegasyon nito sa mga ‘sabi-sabi’.

Binigyang diin pa ni Bulalacao ang 2016 Senate Justice And Human Rights Committee Report na nagsasabing walang state-sponsored killings sa bansa.

Ang pagkakasangkot ng ilang pulis sa ilang pagpatay aniya’y isolated lamang.

Facebook Comments