Manila, Philippines – Nanawagan ang European Union sa Pilipinas na payagan
ang transparent na imbestigasyon sa madugong War on Drugs campain ng
Duterte Administration matapos itong kumalas sa International Criminal
Court.
Sa isang statement na ipinadala sa United Nations Human Rights Council,
ipinahayag ng EU ang matinding pag-aalala sa mataas na bilang ng pagpatay
sa ilalim ng War on Drugs Campaign.
Hinimok din ng EU ang Pilipinas na sumunod sa due process, domestic at
international human rights law.
Binigyang diin pa ng international body ang kahalagahan ng pagpapatupad ng
kampanya kontra droga na naka-sentro sa public health, due process at mga
batas ng bansa at international community.
Ginawa ng EU ang pahayag matapos sabihin ni European Commission Director
General For International And Development Stefano Manservisi na
magpapatuloy ang pagpo-pondo ng EU sa mga proyekto sa Pilipinas sa kabila
ng lamat sa relasyon ng EU at ni Pangulong Rodrigo Duterte.