WAR ON DRUGS | Kabuoang halaga ng nasabat na ilegal na droga, umabot na sa ₱24-B

Manila, Philippines – Pumalo na higit ₱24 billion na halaga ng ilegal na droga at equipment ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Base sa #realnumbersph, aabot sa 223 drug dens at 12 clandestine laboratories ang nabuwag.

Ang nangungunang nakukumpiskang ilegal na droga ay shabu na nagkakahalaga ng ₱17.39 billion.


Ayon sa PDEA, karamihan sa mga sindikato ng droga ay nagtatayo ng kanilang mga drug laboratory sa iba’t-ibang lugar kabilang ang exclusive at posh villages, condominium units at sa remote community.

Ang isang kitchen-type laboratory ay kayang makapag-produce ng isa hanggang tatlong kilo ng ilegal na droga kada cycle.

Facebook Comments