“Tremendous success”
Ganito ang paglalarawan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa giyera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay DILG Spokesperson Jonathan Malaya, ang mga kritiko ay palaging nakatuon sa extrajudicial killings kaya nakikita nilang palpak ang war on drugs.
Pero punto ni Malaya, walang bansa sa mundo ang nagawang mapuksa ang narcotics.
Ang mahalaga aniya ay nakatulong ang kampanya para mapigilan ang paglala ng problema ng ilegal na droga sa bansa.
Una nang sinabi ng Malacañang na nasa ₱49.31 billion na halaga ng ilegal na droga ang nasamsam habang 293,841 illegal drug personalities ang naaresto at 12,356 ay ikinokonsiderang high-value targets.
Facebook Comments