War on drugs, muling pinaiigting ng mga otoridad

Manila, Philippines – Makaraang isuspinde pansamantala ng Administrasyong Duterte nuong Enero ang Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel.

Muling tumaas ang bilang ng mga naaarestong drug adik at mga napapatay na sinasabing nanlalaban sa pagbabalik ng mas pinaigting na kampanya kontra illegal na droga.

Ayon kay NCRPO Director General Oscar Albayalde ito ang nakikita nilang isa sa mga dahilan kung bakit pumalo kaagad sa halos 100 ang napapatay sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa nakalipas lamang na 2 hanggang 3 araw.


Paniwala pa ni Albayalde ang mga droga na kumakalat sa merkado ay hindi galing o ginagawa sa bansa kundi ipinupuslit lamang papasok ng bansa.

Isang halimbawa aniya dito ay ang nakalusot na P6.4M na shabu shipment galing ng China.

Matatandaang 32 ang napatay sa ikinasang drug operations sa Bulacan habang 26 naman ang tumimbuwang sa kampanyang kontra droga sa nakalipas na magdamag sa Maynila samantalang kagabi hanggang kaninang madaling araw 25 din ang nasawi sa drug ops sa QC at Camanava area.

Facebook Comments