DFA, kinumpirma na kabilang sa mga nasugatan sa terror attack sa Spain ang apat na Irish citizens of Filipino descent

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na apat na Irish citizens of Filipino descent ang kabilang sa mga nasugatan sa panibagong pag-atake ng mga terorista sa Barcelona, Spain.

Sa naturang pag-atake, labing-tatlo ang nasawi at mahigit isang daan ang mga nasugatan.

Tumanggi naman ang DFA na pangalanan ang mga nasugatang Irish citizens of Filipino descent.


Gayunman, mino-monitor aniya ng Honorary Consulate ng Pilipinas ang kalagayan ng mga ito sa ospital.

Ayon sa DFA, nakalabas na ng ospital ang ina at anak na babae habang ang ama at anak na lalaki ay patuloy na ino-obserbahan sa pagamutan.

Tinututukan naman anila ng Irish Honorary Consul ang kalagayan ng mag-ama.

Batay sa reports mula sa Philippine Honorary Consul sa Barcelona, inararo ng sasakyan ng terorista ang Las Ramblas tourist district sa Barcelona.

Facebook Comments