Naniniwala si United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet na hindi magandang modelo sa ibang bansa ang giyera kontra droga ng Duterte administration.
Sa kanyang talumpati sa UN Human Rights Council sa Geneva, Switzerland – ang drug polices sa Pilipinas at ang kawalan ng paggalang sa rule of law at international standards ay hindi dapat tularan ng ibang bansa.
Nababahala rin si Bachelet sa pagkunsidera ng Kongreso na buhayin muli ang death penalty para sa drug-related crimes at ang pagbaba ang age of criminal responsibility.
Hinimok niya ang pamahalaan na gumamit ng public health approach at harm reduction initiatives na naaayon sa human rights standards, base sa 2016 General Assembly Special Session.
Facebook Comments