WAR ON DRUGS | P4.7M halaga ng shabu, nasabat sa 23-anyos na high-value target sa Cebu City

Cebu City – Aabot sa 4.7 milyong pisong halaga ng iligal na droga ang nasabat mula sa isang 23 anyos na lalaki na itinuturing na “high-value target” sa Cebu City.

Sabi ni Supt. Glenn Mayam, hepe ng Drug Enforcement Group ng Philippine National Police-Central Visayas, nadakip si Walter Villamor kaninang alas dos ng madaling araw.

Isinagawa ang buy bust operation sa loob ng isang motel sa V. Rama Avenue, Barangay Calamba.


Si Villamor na residente ng Sitio Gatepass, Barangay Guadalupe, Cebu City ay tatlong buwang isinailalim sa surveillance ng mga pulis.

Nabatid na hindi lang ordinaryong drug peddler si Villamor kundi isang “big time” drug pusher na nakapagbebenta ng iligal ng droga na 50 gramo pataas.

Facebook Comments