Manila, Philippines – Ipinakalat na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa 215 bagong Drug Enforcement Officers (DEO) sa mga operational services at regional offices sa bansa para palakasin ang kampanya kontra droga.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, itatalaga ang mga DEO sa PDEA Special Enforcement Service (SES), Intelligence and Investigation Service (IIS), Compliance Service (CS) para bantayan ang mga pantalan at paliparan.
Sabi ni Aquino, sasama rin ang mga DEO sa detection ng smuggled illegal drugs.
Ang mga bagong DEO agents ay nagtapos sa anim na buwang pagsasanay sa PDEA academy.
Facebook Comments