WAR ON DRUGS | PDEA, nanawagan sa mga barangay na paganahin ang kani-kanilang anti-drug abuse councils

Manila, Philippines – Nanawagan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lahat ng mga barangay sa bansa na paganahin ang kanilang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

Ayon kay PDEA Director, General Aaron Aquino – lumalabas na 30% ng 42,000 na mga barangay sa bansa ay non-existent o kaya naman ay non-functional ang kanilang BADAC.

Ito ang dahilan aniya kung bakit maraming barangay officials ang sangkot sa illegal drug trade.


*Sinabi ni Aquino – na aatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng mga barangay na i-activate ang kanilang BADAC sa loob ng 30 araw.*

*Ang mga opisyal ng barangay na hindi tatalima ay papatawan ng karampatang parusa.*

Facebook Comments