WAR ON DRUGS | Planong pagbabalik ng Oplan Tokhang, alam na ng PDEA

Manila Philippines – Pinapayagan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Philippine National Police (PNP) na muling isagawa ang Oplan Tokhang sa buong bansa bilang bahagi ng Anti-Criminality Campaign ng pamahalaan.

Ayon sa isang opisyal ng PNP na ayaw na magpabanggit ng pangalan, kasama sa isinasagawang coordinating meeting ang mga opisyales ng PDEA kaya hindi maaring hindi nila ang alam ang plano ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na simulang muli ang oplan tokhang sa bansa.

Matatandang sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, na dapat ay dumaan muna kay Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino ang plano ng Philippine National Police na ibalik ang Oplan Tokhang.


Ito ay dahil ang PDEA ang lead agency ngayon sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang.

Facebook Comments