WAR ON DRUGS | Publiko, kinalma ng PNP kaugnay sa pagbabalik ng Oplan Tokhang

Manila, Philippines – Kinalma ng Philippine National Police ang publiko kaugnay sa muling pagpapatupad ng “Oplan Tokhang”.

Ayon kay NCRPO Chief, Dir. Gen.Oscar Albayalde – hindi na dapat matakot ang mga tao sa “Oplan Tokhang” na ang tanging layunin ay makiusap sa mga tukoy na gumagamit ng iligal na droga.

Ipinaliwanag ni Albayalde na ang “Oplan Tokhang” ay pagpapasuko o panghihikayat na sumuko sa mga drug users o pushers.
Kung mayroon man aniyang mga nasasawi, iyon ay nagaganap sa mga lehitimong operasyon gaya ng buy-bust operations lalo na kapag nanlalaban ang mga target.


Sa pagbabalik ng “Oplan Tokhang”, sinabi ni Albayalde na kakatok sila sa mga bahay ng mga ‘identified’ na gumagamit ng iligal na droga para himukin itong sumuko.

Samantala, patay ang limang drug suspects habang arestado ang 95 iba pa sa magkakasunod ng anti- illegal drugs operation ng PNP Bulacan.

Nakuha sa mga napatay at naarestong drug suspek ang 277 plastic sachet ng shabu na aabot sa higit 170 kilos, siyam na baril, mga bala at isang granada.

Facebook Comments