Manila, Philippines – Binigyang diin ni incoming Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na hindi dapat minamaliit ang war on illegal drugs ng Adminsitrasyong Duterte.
Ito ang sinabi ni Roque sa harap narin ng maraming batikos na ibinabato ng maraming grupo laban sa programa ng pamahalaan para labanan ang iligal na droga sa bansa.
Ayon kay Roque, marami nang napagtagumpayan si Pangulong Duterte at ang kanyang buong administrasyon kung paguusapan ay ang iligal na droga.
Paliwanag ni Roque, patunay lang dito ang pagiging modelo ng Pilipinas ng ibang bansa na may kinakaharap ding problema sa iligal na droga.
Matatandaan din aniya na maging si US President Donald Trump ay nagdeklara narin ng kanyang sariling bersyon ng war on Illegal Drugs.
Ibinida pa ni Roque na maging ang ilang bansa sa asya ay nagpadala narin ng kanilang mga observers upang malaman kung paano naging matagumpay ang paglaban ng droga ng Pilipinas.
War on illegal drugs ng administrasyon, hindi dapat maliitin ayon sa palasyo
Facebook Comments