WAR ON OBESITY PROGRAM | Timbang ng mga pulis, nabawasan ng mahigit 500,000 pounds nationwide

Manila, Philippines – Nabawasan ng kabuuang 500 libong pounds sa timbang ng PNP personnel nationwide.

Ito ay kaugnay sa kanilang Mission Slimpossible Program ng PNP.

Ayon Kay Csupt. Noli Taliño, Director ng Directorate for human resource and doctrine development, ang pagbabawas ng timbang ng mga pulis ay hindi lamang para maging mas “physically fit” ang mga pulis sa kanilang trabaho, kundi para na rin sa kanilang personal na kalusugan.


Pinuri ni Talino ang mainit na pagtanggap ng mga pulis sa hamon na magbawas ng timbang, kung saan nakapagtala ng total weight loss na 625,637 pounds nationwide ang PNP, na higit pa sa 500,000 pound target.
Bilang bahagi ng palatuntunan, kinilala ang mga police units na nakapagtamo ng pinakamalaking weight loss base sa target na ibinigay sa kanila.
Kabilang sa mga ito ang PRO 2 na 352 percent ng kanilang target ang na-achieve na weight loss, PRO 11 na 323 percent, PRO 5 na 218 percent, at PRO 10 na 184 percent.
Sa National Headquarters naman, ang mga units na may pinakamagandang weight loss performance ay ang DRD o Directorate for Research and Development na natamo ang 353 percent ng kanilang target, Directorate for controllership na 300 percent, HSS o Headquarters support service na 208 percent, at PRBS o personnel and retirement benefits system na 162 percent.

Facebook Comments