Warehouse Man, Huli sa kasong RIR in Homicide & Damage to Property!

Naguilian, Isabela – Nahaharap ngayon sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) in Homicide and Damage to Property ang isang lalaki matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas dos ng hapon sa Brgy. Palattao, Naguilian, Isabela.

Ang naaresto ay kinilalang si Jonel Bartolome Marayag, bente tres anyos, may live-in partner, isang Warehouse man at nakatira sa nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, dinakip ng PNP Naguilian si Marayag sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Ferdinand E. Dalpig ng 5th MCTC, Naguilian-Reina Mercedes, Naguilian, Isabela dahil sa kasong kinakaharap.


Nasa kustodiya na ng PNP Naguilian ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito habang makakalaya lamang ito kung makakapaglagak ng kanyang piyansang tatlumpu’t anim na libong piso.

Facebook Comments