Warehouse ng medical supplies sa Binondo, Maynila ni-raid ng mga otoridad

Sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang warehouse sa Binondo, Maynila matapos makatanggap ng tip na dito itinatago ang kahong-kahong medical supplies.

Ayon sa BOC, posibleng smuggled ang naturang medical supplies at sadyang iniipit na mailabas sa merkado para maibenta sa mas mataas na presyo.

Nadiskubre ang mga smuggled na produkto sa warehouse ng kumpanyang Philmed Dynasty Supplies Corporation sa Bulle De Binondo, sa Binondo, Maynila.


Kabilang sa mga nakumpiska ang mga galon-galong alcohol at kahong kahong mga face masks, goggles, gloves at iba pang medical supplies na aabot sa halagang limang milyong piso

Nakatakdang i-donate ang medical supplies kapag natapos na ang inventory at maiprisinta sa korte bilang mga ebidensya.

Ayon naman kay Leonard Cabal, marketing executive mg Philmed, ang mga produkto ay ido-donate nila sa Manila LGU at Department of Health (DOH) kung saan una na rin silang nakapag-donate.

Facebook Comments