PNP, hindi na palulusutin maging ang mga naglalakad papunta sa mga probinsya

540

Hindi na palulusutin sa mga checkpoint ang mga gustong maglakad pauwi sa kanilang mga probinsya.

Mahigpit na bilin ni ito Police Deputy Director General Guillermo Eleazar ang Commander ng Joint Task Force Covid Shield sa kaniyang ginawang inspection sa checkpoint sa Aguinaldo Highway, Bacoor, Cavite.


Ayon kay opisyal, mahihirapan din ang mga ito dahil sa dami ng mga checkpoint na kanilang dadaanan kung halimbawang pauwi ang mga ito sa Bicol Region.

Kung makalulusot man ang mga ito sa mga checkpoint at makauwi sa kanilang mga lugar ay kailangan din silang isailalim sa quarantine.

Kaya pakiusap ni General Eleazar sa publiko na huwag nang umalis sa kanilang kinaroroonan sa ngayon para hindi dumanas ng matinding hirap dahil hindi rin sila palulusutin sa mga checkpoint.

Maliban pa sa posibilidad na lalo lamang silang makakuha ng sakit kapag lumabas ng bahay at maglalakad.

Facebook Comments