Manila, Philippines – Isinilbi ng National Capital Region Police Office ang isang Warrant of Arrest laban sa isang American Roman Catholic Priest na nakakulong sa Bureau of Immigration Detention Cell sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Sa pangunguna ng Regional Special Operations Unit ng NCRPO pinasok nito ang Bureau of Immigration Fugitive Search Unit para isilbi ang mandamyento de aresto.
Kinilala ni NCRPO Director Guillermo Eleazar, ang suspect na is Father Kenneth Bernard Pius Hendrick.
Noong December 5, inaresto ng immigration agents ang pari sa bisa ng WOA na inisyu ni Stephanie Brown ng US magistrate ng US District Court ng District of Ohio, sa kaso hinggil sa illicit sex with minor in a foreign country na may kaparusahang 30 taong pagkakabilanggo.
Ang bagong warrant naman ay inisyu ni judge constantino esder, rtc branch 16, 8 judicial region of Naval Biliran noong December 11, 2018 para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation sa Anti Chil Abuse Law.
Lumabas na ang franciscan priest ay namolestiya ng 50 tao na karamihan ay mga sakristan na nasa 7 years old.
Sinabi ni Eleazar, nagkaroon ng lakas loob ang mga bagong biktima makaraang malaman ng mga ito na inaresto ang si Fr Hendrick.
Si Hendrick ay dumating sa Pilipinas mula sa Cincinnti Ohio USA noong 1968.
Siya ay na ordained bilang pari sa fanciscan order at nag silbi sa St Isidore the Worker Chapel sa Talustosan village sa Biliran Province.
Si Father Hendrick ay binitbit at nasa Regional Special Operations Unit ng NCRPO.