Warrant of arrest laban sa 80 iba pang akusado sa Maguindanao Massacre Case, ipakakalat ng PNP

Ipapakalat ng Philippine National Police ang mga warrant of arrest at mga larawan ng 80 iba pang akusado sa Maguindanao Massacre na nananatiling at large.

 

Ayon kay PNP Officer in Charge Police Lt Gen. Archie Gamboa, hiwalay na unit mula sa Criminal Investigation and Detection Group at Intelligence Group ang naghahanap sa mga nagtatagong akusado.

 

Aniya, oobligahin na rin ang mga regional directors na hanapin ang mga hindi pa nadadakip na mga akusado.


 

Giit ni Gamboa, mahaharap sa kaso ang sinumang alagad ng batas na magbabaliwala sa warrant of arrest orders sa mga akusado.

 

Mayroong tatlong legal na hakbang na pwedeng gawin ang mga ampatuan na hinatulang guilty sa maguindanao massacre.

 

Ayon kay lyceum of the philippines college of law dean atty.  Soledad mawis – kabilang dito ang paghahain ng motion for reconsideration, motion for new trial at pag-apela ng desisyon ng mababang hukuman.

 

Pero dedepende pa aniya ang kanilang legal moves sa magiging basehan o dahilan nila sa pagkwestyon o pagsalungat sa desisyon ng korte.

 

Kaugnay nito – iginiit naman ni atty. Harry roque na plano nilang ipa-freeze ang mga ari-arian ng mga ampatuan para matiyak na mababayaran ang mga ito ng danyos.

 

Aniya, nakikipag-ugnayan na siya kay mindanews journalist carolyn arguillas na nag-imbestiga sa umano’y tagong yaman ng mga ampatuan para maging basehan sa hihilingin nilang seizure orders.

 

Sa kabila nito – inamin naman ni justice senior deputy state prosecutor richard anthony fadullon na posibleng iapela pa ng mga ampatuan ang desisyon ng mababang kulungan kasama ang utos na pagbabayad ng danyos.

 

 

 

Facebook Comments