Manila, Philippines – Sabay na ng nanawagan ang Ecowaste Coalition at mga mag-aaral ng Quirino Elementary School sa Quezon City para sa maayos na pagtatapon ng basura ngayong Pasko at Bagong Taon.
Ayon kay Ecowaste Coalition Zero Waste Campaigner Daniel Alejandre, asahan na ang tone-toneladang basura na maiipon pagsapit ng Pasko at Bagong Taon dahil sa kabi-kabilaang handaan, parties, mat iba pang kasiyahan.
Ikinalungkot ng grupo ang throwaway culture o pagtatapon ng basura kung saan saang lugar kapag may mga kasiyahan o selebrasyong ginugunita.
Binigyang halimbawa ni Alejandre ang waste generation tuwing Christmas season na umaabot ng .7kilo hanggang 1.2 kilo.
Maiiwasan aniya ito kung sundin ang tamang pamamaraan sa pagtatapon ng basura tulad ng pagsunod sa 3 Rs ang Reduce, Reuse at Recyle at iba pang practical steps upang mabawasan ang volume ng basura.