WASTE-TO-ENERGY MACHINE,PINAG-AARALAN NA NG LGU MANGALDAN PARA SA BAGONG SOLUSYON SA BASURA

MANGALDAN, PANGASINAN – Pinag-aaralan na ngayon ng LGU Mangaldan ang panukala ng isang grupo upang makatulong sa pagbabawas ng basura dahil na rin sa kawalan ng sanitary landfill sa bayan.

Dinaluhan ng mga kawani ng LGU at ang alkalde ng Mangaldan upang pag-aralan ang proseso ng naturang Waste-to-Energy (WTE) Machine ang potensyal nito upang matugunan ang waste management sa bayan.

Iprinesenta ito ng isang pribadong kumpanya na First Green Mother Earth Management Company (FGMEMC) ng isang product and service demonstration para sa WASTE-TO-ENERGY (WTE) Machine sa isang lote sa Brgy. Banaoang na malapit lamang sa Mangaldan Municipal Transfer Facility.


Pinangunahan ito ni Engr. Augie Conte, ang Technical Consultant ng kompanya ay kanyang ipinaliwanag na ang WTE Machine ay ginagamit na rin sa maraming bansa at ilang mga LGU na rin sa National Capital Region (NCR) ang gumagamit nito.

Aniya, malaki ang tulong ng makinang ito hindi lamang sa pagproseso ng mga karaniwang basura higit lalo ang pagtugon sa dumaraming hospital waste bunsod ng Covid-19 tulad na lamang ng mga personal protection equipment (PPE).

Dagdag pa niya, ito ay isang earth-friendly machine kung saang putting usok ang ibinubuga nito kumpara sa ibang waste processing methods.

Facebook Comments