Nilinaw ng Malacañang ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang kapirasong papel lamang na itinapon sa basurahan ang 2016 Arbitral Award.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi lamang ni Pangulong Duterte ang perspektibo ng China.
Aniya, hindi ito pananaw ng Pangulo.
Dapat aniya ilagay sa tamang konteksto ang mga sinasabi ng Pangulo.
Magugunitang sinabi ni Pangulong Duterte sa United Nations General Assembly noong Setyembre 2020 na ang 2016 The Hague Ruling ay bahagi na ng international law.
Muling iginiit ng Palasyo na walang mekanismo na siyang magpapatupad ng desisyon ng Arbitral Tribunal sa West Philippine Sea kahit i-akyat pa ang isyu sa UN Security Council.
Facebook Comments