Umapela ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na itapon nang maayos ang kanilang face masks at gloves.
Ayon kay DENR-National Capital Region Executive Director Jacqueline Caancan, naging pahirapan ang cleanup at maintenance activities na pinaiigting na nila lalo na at namamahay ang mga mikrobyo sa maruming kapaligiran.
Iginiit ni Caancan, ang maling pagtatapon ng face masks at gloves ay posibleng ma-contaminate ang mga manggagawang naglilinis ng mga ilog, estero at iba pang daluyan ng tubig.
Mahalagang ihiwalay ang mga household medical waste sa iba pang basura para maiwasan ang cross-contamination.
Facebook Comments