‘WATCH’ Project ng CCNHS, Patuloy na Isinusulong!

*Cauayan City, Isabela- * Patuloy na isinusulong ng Cauayan City National High School ang pakikiisa sa ‘WATCH’ Project o We Advocate Time Consciousness and Honesty upang mas mapaganda ang paraan ng pagtuturo ng mga guro sa mga mag-aaral ng naturang paaralan.

Layunin rin ng adbokasiyang ito na paangatin ang mga programa sa paaralan maging sa pagsulong ng Time Consciousness ng mga guro at studyante.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Richmond Tuazon, member of Documentation Committee of School Project ng CCNHS, malaki ang maitutulong ng kanilang iniimplimentang proyekto para sa pag-unlad ng paaralan sa larangan ng Edukasyon.


Kaugnay nito ay dumating naman ang mga miyembro ng National Evaluator mula sa National Office ng DepEd upang bisitahin ang nasabing paaralan upang tiyakin na nasa maayos na proseso ang pagtuturo ng mga guro sa mga mag-aaral.

Nanawagan naman si Tuazon sa lahat ng guro, mag-aaral at sa mga magulang na panatilihin ang kanilang pagsuporta sa WATCH Project upang makamit ang layunin na mapaganda at mapaangat ang kalidad ng edukasyon ng Cauayan City National High School.

Samantala, ang CCNHS ay kabilang sa Top 10 na nabigyan ng parangal kaugnay sa tama at magandang implimentasyon sa WATCH Project sa buong bansa.

Facebook Comments