Simula sa buwan ng Oktubre, babawasan na ng National Water Resource Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig sa pagpasok ng buwan ng Oktubre.
Layon nito na umabot hanggang sa susunod na taon ang imbak na tubig na nasa mga dam at may makonsumo ang buong Luzon.
Sa desisyon ng NWRB, 44 cubic meters per second ang ibibigay sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para sa business and residential consumption.
Habang 25 cubic meters per second naman ang ilalaan ng NWRB sa National Irrigation Administration (NIA) para sa mga sakahan.
Mas mababa ang alokasyon na ito kumpara sa 46 cubic meters per second sa MWSS at 30 cubic meters per second sa NIA ngayong Setyembre.
Sa datos ng NWRB, bumaba pa ng 4 meters mula sa 180 meters ang kasalukuyang lebel ng tubig sa mga dam ng Luzon.
Kung walang darating na mas maraming ulan bago ang Enero, namimiligrong bababa pa ang lebel ng tubig sa mga dam at lalo pang mababawasan ang alokasyon ng tubig sa susunod na taon.