Dahil sa pera, tatlong mangingisda nag away, isa patay, isa sugatan

13

New Washington, Aklan – Isa ang patay at isa ang sugatan matapos na mag away ang tatlong mangingisda kagabi sa kasagsagan ng kanilang inuman sa Sitio Bato, Brgy. Fatima, New Washington, Aklan. Ang namatay ay nakilalang si Jonito De Pedro, 27-anyos habang ang suspek ay nakilala namang si Jojel Ighot, 27-anyos at parehong residente ng nasabing lugar. Sa ginawang imbestigasyon ng News Team sa nasabing insidente ay lumalabas sa imbestigasyon ng New Washington PNP ayon kay PCpl. Raul Reña na kagabi ay nakatanggap sila ng tawag galing sa lugar na merong naganap na insidente at agad na ni-respondehan. Lumalabas naman sa kanilang imbestigasyon na itong biktima at suspek kasama ang bayaw ng biktima na si Jhon Daven Armenio ay nag-iinuman pero sa kalagitnaan nito may kunting diskusyon. Tumayo ang biktima pero sinuntok ito ng suspek na tinamaan sa tiyan dahilan para matumba at tumama ang ulo nito sa semento. Matapos na makita ni Jhon Daven ang nangyari sa kanyang pinsan ay agad itong kumuha ng plastic na upuan at pinalo sa ulo ang suspek na nong huli ay naging duguan. Ni-respondehan ito ng mga tao doon at MDRRMO New Washington. Naka focus sila sa suspek dahil maraming dugo at huli na ng mabigyang pansin si De Pedro. Dinala ang mga ito sa hospital pero idineklarang dead on arrival si De Pedro. Samantala, kinunan rin ng statement ng News Team ang suspek at ayon naman sa kanyang pahayag ay siya raw ang unang sinuntok sa may tenga at tubo raw ang pinalo sa kanya na taliwas naman sa pahayag ng pulis at ibang saksi. Ayon pa sa kanya na nangyari ang insidente dahil binigyan ng pera ang biktima ni Ricky Tafalla (kapitan ng kanilang fishing boat) at sya ay hindi. Para naman makumperma ang nasabing pahayag ng suspek ay kinunan rin ng pahayag ng News Team si Ricky at ayon sa kanya na kahapon ay nag advance ito sa kanilang amo ng P 500 para pabili nya ng bigas pero nagbigay pa ng dagdag na P 500 ang kanilang amo. Ang ginawa nya ay hinati nya ang P 500 sa dalawa bali tag P 250 pero ang sabi nila kay Ricky ay ibili na lang ng inum at iinum sila. Kinagabihan ay uminum ang mag ito pero naunang nakatulog si Ricky at kaninang umaga nya lang nalaman ang nangyari. Sa ngayon ay kulong sa lock up cell ng New Washington PNP ang suspek na si Jojel Ighot at si John Daven na mahaharap ng karampatang kaso. Habang nakatakda namang isailalim sa post mortem examination ang bangkay ni De Pedro.

Facebook Comments