Naging maayos ang negosasyon sa bagong water concession agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng Maynilad Water Services Inc.
Nabatid na nagpulong ang mga kinatawan ng pamahalaan at ng water firm noong Lunes, May 3.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, pinaplantsa na lamang ang ilang mga bagay tulad ng business plan ng Maynilad, loans mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA), at public listing of shares.
Una nang nilagdaan ang bagong concession agreement sa Manila Water noong March 31 at ipapatupad ang kasunduan anim na buwan mula sa petsa ng pagkakalagda nito.
Kabilang sa mahalagang feature ng bagong kasunduan ay pagtatanggal ng non-interference clause na pumipigil sa pamahalaan na manghimasok sa water rates.
Facebook Comments