Water concessionaires, kinalampag na gawin ang lahat ng paraan para mabigyan ng magandang serbisyo ang consumers

Kinalampag ni Senator Christopher “Bong” Go ang water concessionaires na gawan ng paraan na mabigyan ng sapat na suplay ng tubig ang kanilang consumers sa gitna pa rin ng inaasahang epekto sa bansa ng El Niño phenomenon.

Binigyang-diin ni Go na kaya nga isinapribado ang water concessionaires ay dahil inaasahang mabibigyan ng mas magandang serbisyo ang ating mga kababayan.

Ipinunto rin nito na hindi pa tapos ang pandemya at napakahalaga ng tubig para sa sanitation at palaging paglilinis kaya pangangalampag pa ng senador sa mga kompanya ng tubig, gawan ito ng paraan.


Kasama aniya sa commitment ng water concessionaires nang i-privatize ang mga ito ay tiyakin na makapaghahatid ng maaasahan at walang palya na serbisyo sa publiko.

Batid naman niya na may rason ang kakulangan ng suplay ng tubig ngayong panahon ng El Niño pero nagbabayad ng maayos ang consumers kaya ibigay sa mga ito ang nararapat na public convenience at ang maayos na serbisyo.

Facebook Comments