Hinamon ng Water for All Coalition ang mga opisyales ng MWSS na mag-resign na lamang kung hindi rin lamang sila solusyon sa problema sa suplay ng tubig.
Ayon kay RJ Javellana, convenor ng Water for All Coalition, kung hindi nila kayang baguhin ang sistema at kastiguhin ang dalawang water concessionaires ay mas mabuting mag-resign na lamang sina Metropolitan Waterworks and Sewerage System Administrator Reynaldo Velasco Chief at MWSS Chief Regulator Patrick Ty.
Ani Javellana, walang hiya ang mga opisyal dahil matapos na ipatawag sa Malacañang at mismong pagalitan ni Pangulong Rodrigo Duterte, kapit tuko pa rin sila sa puwesto.
Sinabi ni Javellana na hindi kapado ng mga water officials ang ipinagkatiwala sa kanilang posisyon.
Sa halip aniya na maging regulator ay nagsisilbing spokesperson pa dalawang water concessionaires ang mga ito.
Sa halip na ipaliwanag ang isyu ng sa Bigti-Balara bypass gate, nagbigay pa ang mga ito ng maling impormasyon sa Pangulo.