Manila, Philippines – Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang barangay sa Las Piñas, Parañaque at Cavite simula bukas.
Sasabayan kasi ng maintenance activity ng MAYNILAD ang pansamantalang pagsasara sa PAGCOR pumping station nito para bigyang-daan ang paglilipat ng valve sa water main line na maapektuhan ng road widening project sa Cavite-Laguna Expressway.
Ito ay ang naka-planong shutdown na gagawin sana noong March 27 pero kinansela dahil sa emergency repair ng defective valve na parehong water main line nito sa Coastal Road.
Kaugnay nito, makakaranas ng water interruption ang Baclaran at tambo sa Parañaque City mula alas 10:00 ng gabi bukas hanggang alas 10:00 ng umaga ng April 19.
Alas 10:00 bukas ng gabi hanggang ala una sa April 20 naman mawawalan ng tubig sa Las Pinas, partikular sa:
– Almanza Uno
– C.A.A.
– Manuyo Uno
– Manuyo Dos
– Pamplona Uno
– Pamplona Dos
– Pilar
– Pulang Lupa Uno
– Pulang Lupa Dos
– Talon Uno
– Talon Dos
– Talon Tres
– Talon Kuatro
– Talon Singko
At sa Cavite, mula ala 10:00 ng gabi bukas hanggang ala 5:00 ng umaga sa April 20:
– Bacoor
– Cavite City
– Rosario
– Imus
– Kawit
– Noveleta