Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang lugar sa Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Bacoor at Imus sa Cavite simula alas-5:00 ng umaga hanggang bukas (October 31) ng alas-3:00 ng hapon.
Sa abiso ng Maynilad, magkakabit sila ng bagong “reverse osmosis assemblies” sa putatan water treatment plant kaya’t asahan na ang paputol-putol, mahina hanggang sa walang supply ng tubig sa mga nasabing lugar.
Layon ng nasabing aktibidad na maisaayos ang treatment capacity ng planta at mapanatili ang stable na produksyon sakaling magpalit ang kalidad ng raw water na nagmumula sa Laguna Lake.
Posible namang matagalan ang pagbabalik ng serbisyo ng tubig sa nasabing mga lugar dahil sa layo ng mga ito sa pumping stations at depende din sa dami ng mga gagamit nito.
Inabisuhan din ng Maynilad ang kanilang mga customer na mag-imbak na ng sapat na tubig na magagamit sa panahon mawawala ang suplay nito.
Water interruption – mararanasan sa Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Bacoor at Imus, Cavite
Facebook Comments