WATER INTERRUPTION | Mga taga Pasig at Mandaluyong mawawalan ng tubig sa Lunes

Nagpaalala ang Manila Water sa mga consumers nito sa Pasig at Mandaluyong City dahil sa posibleng water interruption.

Ayon kay Jeric Sevilla tagapagsalita ng Manila Water magkakaroon ng interconnection activities o paglipat ng linya ng tubig sa kinukumpuning tubo partikular sa Edsa Shaw Boulevard southbound tapat ng Starmall.

Kabilang sa mga maaapektuhan ay ang mga malalaking establisyemento na nakapaligid sa Edsa Shaw Boulevard tulad ng mga naglalakihang mga malls.


Posibleng umpisahan ang water interruption mula alas 8 ng gabi sa Lunes hanggang alas 6 ng umaga ng Martes pero pinapayuhan nito ang mga taga Pasig at Mandaluyong na bisitahin ang kanilang FB page para sa eksaktong oras ng water interruption.

Nabatid na halos isang buwan ng inaayos ang linya ng tubig sa Edsa Shaw makaraang tumagas ang isang tubo noong Hulyo dahil sa kalumaan.

Sinabi ni Sevilla na 24/7 ang gagawing konstruksyon kung kaya at kumpyansa silang matatapos ito sa target date na August 20.

Asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa Edsa Shaw SB dahil isang linya lamang ang nadadaanan ng mga motorist.

Facebook Comments