Nakakaranas na ngayon ng paghina hanggang sa pagkawala ng supply ng tubig sa mga costumer ng Manila Water sa San Mateo at Rodriguez sa Rizal at Marikina City.
Nagsimulang maramdaman ang paghina ng supply ng tubig kaninang alas otso ng umaga hanggang mamayang alas dose ng tanghali kung saan maaapektuhan ang May 26 na libong residente.
Ang paghina ng water pressure hanggang sa pagkawala ay bunga ng phase 2 ng pag-transfer ng water supply mula East La Mesa Treatment Plant hanggang sa Southeast Mainline.
Unang itinakda ang transfer noong Mayo 17 pero muling itinakda mamayang alas dies ng gabi.
Ginagawa ito ng Manila Water dahil sa patuloy na pagbaba ng water elevation sa La Mesa Dam na nasa 71.98 meters na ngayon na mas mababa na sa 80.15meters spilling level.
Kabilang sa mga maapektuhang lugar ay ang mga sumusunod: San Mateo: Ampid 1, Ampid 2, Banaba, Dulong Bayan 1, Dulong Bayan 2, Guitnangbayan 1, Guitnangbayan 2, Guinayang, Maly, Sta. Ana sa San mateo , Burgos sa Rodriguez na nasa Rizal province at barangay Parang sa Marikina City.
Pinapayuhan ng Manila Water ang lahat ng mga residente sa mga nasabing lugar na mag-imbak ng sapat na tubig .