Makakaranas pa rin ng off-peak daily water interruptions ang mga residente sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) hangang Abril 15.
Wala pa ring tutulong tubig sa mga gripo sa nasabing lungsod mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga dahil sa pagtaas ng demand sa tubig na dulot ng mainit na panahon.
Ayon sa Maynilad, makatutulong ito upang makapagpuno sila ng mga reservoir tuwing gabi bilang paghahanda sa mataas na demand sa peak hours.
Nabatid na ngayong araw dapat ang huling araw ng water interruption sa CAMANAVA bago ang inilabas na anunsyo ng Maynilad.
Pinayuhan naman ng Maynilad ang publiko na magtipid ng tubig at mag-ipon sa mga oras na mayroong supply.
Facebook Comments