Ilang evacuation sites sa Batangas, inikutan ng RMN Foundation, DZXL at iFM para maghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal

42

Naging masaya ang pamamahagi ng mga food pack at hygiene kits sa mga residenteng nananatili sa Barigon Elementary School, Coral na Munti High School, Coral na Munti Elementary School at Mahabang Gulod Elementary School sa bayan ng Agoncillo sa Batangas.

Nagkaroon ng palaro, sayawan at mala-beauty pageant na performance mula sa audience na pinangunahan ng DJ ng iFM Manila na si Papa Charles.

Labis na nagpapasalamat ang mga evacuees sa pagbisita ng RMN Foundation at DZXL dahil bukod sa na-entertain sila sa mga palaro, nakatanggap pa sila ng cash na papremyo.


Sa kabuuan, aabot sa halos 1,000 indibidwal ang naabutan ng tulong ng RMN Foundation, DZXL at iFM Manila.

 

Facebook Comments