Tatagal pa ang water interruption ng Maynilad sa lungsod ng Malabon at Valenzuela hanggang Marso 16.
Ayon sa Maynilad, ito ay dahil sa mababang lebel ng tubig sa bawat dam.
Isasagawa ang water interruption tuwing alas-10:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga upang hindi makasabay sa tirik ng araw at mainit na panahon tuwing umaga.
Pinaalalahanan naman ng Maynilad ang mga residente ng lungsod na mag-ipon ng tubig upang maging handa sa anumang emergency water service interruption.
Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa Maynilad hotline na 1626.
Facebook Comments