Nadine Lustre, nagbigay ng ilang kondisyon bago muling makatambal si James Reid

Bukas ang aktres na si Nadine Lustre na makatambal muli ang dating kasintahan na si James Reid.

Ayon kay Nadine, pwede niyang makatambal muli si James pero nakadepende ito sa magiging istorya.

Alam naman daw kasi ni Nadine na naka-focus ngayon ni James sa kaniyang music career.


Dagdag pa ng aktres, mas kontralado na niya ang direksyon ng kanyang karir.

Nilarawan din ni Nadine na puno ng hirap ang pinagdaanan niyang pagbabago mula pa noong 2019.

Kabilang na ang pagbabago sa kaniyang love life matapos ang break-up nila ni James, ang hidwaan nila ng Viva, ang paglipat niya sa Siargao, pagsubok sa kanyang pamilya, at ang epekto ng pandemya sa kanyang mental health.



Facebook Comments