Magtatagal pa ng hanggang Nobyembre 24 ang manipis na supply ng tubig sa customers ng Maynilad.
Sinabi ni Engr. Ronald Padua, Water Supply Operations Head ng Maynilad, na nahihirapan kasi ang kanilang mga tauhan sa pagtanggal ng makapal na putik sa ilang treatment facility ng kompanya.
Walo hanggang 12 oras posibleng makaranas ng water interruption ang customers.
Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Maynila, Caloocan City, Paranaque City, Bacoor City sa Cavite, Las Pinas City at ilang lugar sa Pasay City.
Pinayuhan ng Maynilad ang customers na mag-imbak ng maraming tubig dahil magtatagal pa ang nararanasang water interruption sa malaking bahagi ng Metro Manila.
Pagtitiyak naman ni Padua, malinis ang tubig na lumalabas ngayon sa mga gripo kung saan maaari itong inumin at gamitin sa pagluto ng kanilang customers.