Pinaghahanap na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng alternatibong paraan ang mga water concessionaire dahil sa patuloy na pagsadsad ng tubig sa mga dam sa bansa.
Sa interview ng RMN-DZXL, sinabi ni MWSS Administrator Reynaldo Velasco –pinaghanada na nila ang Manila Water at Maynilad sa inaasahang worst case scenario.
Matatandaang sumadsad na sa kritikal na lebel na 160.73 ang antas ng tubig sa Angat Dam mula sa 161.30 meters na naitala kahapon.
Pero sabi ni PAGASA hydrologist Danny Flores – kakayanin pa namang mag-supply ng tubig ng Angat Dam sa Ipo at Lamesa Dam pero mas bawasan na ito.
Kasabay nito, hinimok ng consumer group na Laban Konsyumer ang National Water Resources Board (NWRB) na payagan na ang deepwell operations sa Metro Manila at kalapit na probinsya para mapunuan ang kakulangan ng supply ng tubig mula sa Angat Dam.