Chris Paul, aalis sa Rockets dahil kay James Harden

289

Desidido ng umalis si All-Star point guard Chris Paul sa Houston Rockets sa off season ng NBA.


Ito ay matapos kausapin ni Paul ang pamunuan na maisama siya sa trade ng matalo ang Rockets laban sa Golden State Warriors sa Western Conference Semifinals.

Isa sa mga idinahilan ni Paul ay ang alitan nila ni James Harden ng mawala ito sa court dahil sa natamong injury.

Nabatid na umabot pa kung sino sa kanilang dalawa ang pipiliin ni general manager Daryl Morey para manatili sa koponan.

Facebook Comments