Umabot na sa critical low level ang tubig sa La Mesa Dam.
Base sa pinakahuling reading sa lebel ng tubig sa La Mesa Dam (as of 3PM, Sunday) ito ay nasa 68.9 meters na mas mababa sa 80.15 meters spilling level.
Ayon kay Richard Orendain, hydrologist ng PAGASA, hindi maiiwasan na bumama ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam dahil sa kawalan ng pag-ulan.
Sa kabila nito, sinabi ni Orendain na wala pang dapat ikabahala ang publiko dahil may mga tubig pang nanggagaling sa mga dam.
Hindi pa rin aniya kailangang mag-rasyon ng tubig pero posibleng bawasan ang pressure ng tubig na nanggagaling sa dam.
Facebook Comments