Davao Mayor Sara Duterte, napagsabihan ng kanyang ina na itigil ang pagbanat sa oposisyon

649

Inamin ni Hugpong ng Pagbabago (HNP) Chairman at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na napagsabihan siya ng ina dahil sa mga banat niya laban kay Vice President Leni Robredo at sa opposition ticket Otso Diretso.

Ayon sa alkalde, tinawagan siya ng inang si Elizabeth Zimmerman para sabihing tantanan na niya ang mga taga-oposisyon.

Dahil dito, titigil na aniya siya sa pagbatikos sa oposisyon sa lahat ng kanilang campaign programs.

Una nang sinabi ni Inday Sara na fake VP si Robredo dahil sa bayaran at dayaan sa halalan na kinasasangkutan nito.

Facebook Comments