Water level sa Angat dam, sumadsad pa sa 158.40 meters

Patuloy pang bumababa ang water level sa Angat Dam.

Batay sa monitoring ng PAGASA Hydrological division, nasa 158.40 meters ang antas ng tubig sa naturang dam.

Ito ay mas mababa ng .37 cm kung ihahambing sa 158.77 meters na naitala kahapon.


Sa pagtaya naman ng MWSS, posibleng umabot na 157 meters ang water level sa Angat pagsapit ng araw ng Biyernes.

Ito na ang pinakamababang lebel ng tubig sa naturang dam mula noong  2010.

Ayon sa  PAGASA,dalawang bagyo ang kailangan para maibalik sa operational level ng Angat Dam. Habang apat na bagyo naman ang kailangan para umabot ito sa spilling level.

Facebook Comments