Water purification system na maglilinis ng inuming tubig sa Maguindanao, dumating na

Nakarating na sa Maguindanao ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tutulong sa pagse-set up ng water purification system para sa mga apektado ng Bagyong Paeng na namomroblema sa malinis na tubig.

Ayon sa Office of the Civil Defense ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (OCD-BARMM), lulan ang mga tauhan ng MMDA ng C-130 aircraft, dala nila ang 40 units ng portable water purification systems na kayang magpuno ng 180 gallon ng tubig kada oras at mga gamit sa road clearing operations.

Samantala, maliban sa pagbibigay ng malinis na tubig, tutulong din ang MMDA sa clearing operations sa mga lugar na nagkaroon ng paguho ng lupa na hindi madaaanan dahil sa epekto ng nagdaang Bagyong Paeng.


Facebook Comments