Water reservoir dapat itayo sa mga lungsod at lalawigan – Palasyo

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na mabibigyang solusyon ang problema sa supply ng tubig kung magkakaroon ng sariling water reservoir ang mga lungsod at ang mga lalawigan upang magkaroon ng reserbang tubig ang mga ito kung kakailanganin.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, dedepende ang laki ng gagawing reservoir kung gaanong kalaki ang magiging demand ng tubig sa isang particular na lungsod o sa isang lalawigan.

Una nang sinabi ni Panelo na hindi niya nakikitang economic sabotage ang issue ng kawalan ng tubig sa malaking bahagi ng Metro Manila at ng mga kalapit na lalawigan kundi isang kaso lamang ng mismanagement.


Sinabi na rin ni Panelo na posibleng artipisyal lamang ang kakulangan ng tubig kaya mas magandang maimbestighan ang issue upang matuklasan ang sanhi ng kakulangan ng supply ng tubig at upang matiyak na hindi na ito mauulit.

Facebook Comments