Water samples ng Payatas Sanitary Landfill, sasailalim ng laboratory exams ayon sa EMB-DENR

Manila, Philippines – Muling susuriin ng Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources ang water samples sa Payatas Sanitary Landfill sa Quezon City na una nang ipinasara kamakailan.

Ngayong araw magtutungo sa dumpsite ang team mula sa EMB-DENR ang operator ng Landfill na IPM Environmental Services Inc. at Quezon City government at kukuha ng water samples at iba pang bagay na sasailalim sa pagsusuri.

Ipinasara ng EMB- DENR ang Payatas Sanitary Landfill noong Agosto a-2 para bigyang daan ang review sa Environmental Clearance Certificate ng operator ng landfill.


Pansamantalang itinatapon ngayon ng mga apektadong LGU’s ang kanilang basura sa Sanitary Landfill sa Vitas sa Tondo Manila at Rodriguez sa lalawigan ng Rizal.

Facebook Comments