Water shortage ngayong El Niño phenomenon, babala ng MWSS

Nagbabala ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na posibleng magkulang ang supply ng tubig sa mga susunod na buwan dahil sa El Niño phenomenon.

Umapela rin ang MWSS sa mga consumer na magtipid sa paggamit ng tubig.

Ayon kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco – kahit may sapat na water supply sa ngayon, kailangan pa ring matipid sa tubig upang maibsan ang water shortage.


Sa ngayon, prayoridad ang discharge ng potable water supply tuwing tag-tuyot, binabawasan ang palalabas ng tubig para sa agricultural irrigation at power generation.

Facebook Comments