Diokno, sinigurong mapapanatili ang kredibilidad ng BSP

48
Photo Courtesy: @BangkoSentral, Twitter page

Manila, Philippines – Tiniyak ng bagong gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na si Benjamin Diokno na mapapanatili nito ang kredibilidad ng ahensya.

Ayon kay Diokno – itutuloy niya ang mga reporma at patakarang ipinatupad ng pumanaw na si dating BSP Gov. Nestor Espenilla.

Katuwang ang iba’t-ibang sangay ng pamahalaan ang BSP para masigurong matatag ang presyo ng mga bilihin at matibay na sistemang pang-ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments