Manila, Philippines – Pinag-aaralan na bilang solusyon sa krisis sa tubig ang pagbabalik ng operasyon ng water supply at distribution sa gobyerno.
Ito ay kasunod na rin ng panawagan ng ilang sektor na ibasura ang pagsasapribado ng tubig.
Ayon kina Bayan Muna Party-list Representative Carlos Isagani Zarate at Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares – wala itong ibinibigay na seguridad sa publiko at lalala lamang ang krisis kapag hawak ito ng private sector.
Pero depensa nina Maynilad President and CEO Ramoncito Fernandez – sa katapusan pa ng Agosto inaasahang mababalik ang normal na supply.
Giit naman ni Manila Water President and CEO Ferdinand Dela Cruz – wala silang magagawa kung hindi sapat ang tubig na ibinabagsak sa kanila ng Angat Dam.
Facebook Comments